Bakit tayo nanghuhusga??
Bakit tayo nanghuhusga ng
ibang tao?
Sa mundo natin ngayon ay ang kadalasan na nasa utak natin ay ang panghuhusga. Lalo na kung may pagkakamali sa kanila o kung may kapansanan ay husgahan kaagad natin. Nakatanto din ako dito sa bansa natin ay ang paulit-ulit na paghusga ng tao. Hinuhusgahan kaagad natin ang tao kapag may nakita tayong mali sa kanilang ugali,hitsura, o gawa. Maaari din ang impresyon nila sa taong iyon ay ihusga.
Naranasan ko na din na manghusga at hinuhusgahan ng mga tao. Pero habang tumatanda ako ay nakatanto ako na di natin kailangan manghusga ng ibang tao, wala naman tayong makuha kung manghusga tayo ng ibang tao , di ba?!
Lahat ng tao sa mundo ay manghuhusga at hinuhusgahan pero,sana alamin muna nating ang kanilang istorya o ang kanilang pinagdaanan sa buhay nila. Dapat muna natin alamin ang tungkol sa kanila o ang kanilang pinagdaanan nila dahil di natin alam kung maganda ba iyon o hindi. Pero kahit na alam na natin ang kanilang istorya ay wag pa rin sila husgahan dahil wla tayong karapatan manghusga.
Comments
Post a Comment