Araw ng pamilya


Araw ng Pamilya





              Noong Enero 26,2020 ay may naganap na event na family day sa aking paaralan. Hindi ako nakasali sa event na iyon dahil sa mga nagaganap na mga issues sa aking pamilya. Pero masaya naman ako sa araw na iyon dahil magksama kaming pamilya kasama ang mga lola at mga tita ko. Pumunta kami sa Carcar noong araw na iyon dahil iniimbitahan kami sa mga tita ko doon ng birthday party sa anak nila. Kaya pumunta kami doon kasami ang aking pamilya. Masaya ako dahil nakita ko din ang mga pinsan at mga tito at tita ko na nasa Carcar. Pero medyo malungkot din kasi wla akong absent noong nag papractice kami ng sayaw para sa family day pero hindi ako nakasali. Pero okay lng dahil ginamit ko naman ang oras para sa pamilya ko.
                 

                                         


                   

                 Malungkot din dahil di ako nakasama sa litrato na nasa itaas. Pero ang pagiging malungkot ko ay nabawi din sa mga masayang ala-ala dahil kasama ko ang aking pamilya noong araw na iyon. Malaki ang pasasalamat ko sa aking pamilya dahil sila lang naman ang gumagabay , sumusuporta, at nagmahal sakin ng sobra. Mahal ko din ang pamilya ko dahil kahit na kung matigas ang aking ulo at pasaway ako ay iniintindi at minahal pa rin nila ako. Kaya mahalin din natin ng sobra ang ating pamilya dahil nandyan sila palagi na susuporta at magmamahal sa iyo. Kaya nauwi sa tuwa at saya noong umuwi ng araw na iyon kase, kahit na hindi kami nakasali sa event na iyon ay masaya pa rin ako dahil magkasama kami ng pamilya ko noong arawng iyon.



                                                                  

Comments

Popular posts from this blog

Desiderata: Reflection

Bakit tayo nanghuhusga??