CAT survival camp 2020
CAT survival camp 2020
Noong day 1 ng camping ay umasa o inasahan ko na ang mga gagawin ay kung paano makatuto ng mga survival skills. Pero nakaka excite parin dahil meron daw mga magaganda o mapaghamong mga aktibidad na magagawa namin sa unang araw. Una kong expression sa survival camp na ito ay mainip o nakakapagod, pero nagkakamali pala ako, dahil sobrang saya at nakabibigay ito ng mga masasayang alala sa akin.
Mahirap din ang mga ginawa namin noong unang araw dahil minsan nakakapagod at nakaka-antok dahil maliit lng ang oras namin sa pag papahinga. Marami akong natutunan kagaya ng pagiging united sa aking ka platoon at sa ibang platoon, na kahit di kami kampi sa ibang platoon ay friendly pa rin at mapag bigay. Pagkatapos ng mga aktibidad nong hapong iyon ay nag campfire na kami sa gabi at nagkaroon ng huling aktibidad sa araw na iyon.
Sa ikalawang araw o ang huling araw na kung saan kami nagkaroon ng awarding sa mga platoon. Napakasaya ko dahil ang Delta Vultures na kaplatoon ko ay naka 1st place sa CAT survival camp 2020. Meron din akong mga natanggap na mga award na kung saan na hindi ko inasahan. Nagpapasalamat din ako sa panginoon dahil wlang nasaktan o nasakit sa survival camp na iyon. Sobrang saya ko dahil isa ito sa mga magandang memories na masasama ko sa aking highschool life.
Comments
Post a Comment